Karagdagang insentibo para sa mga kawal, isinusulong
Hiniling kahapon ni Muntinlupa Rep Rozzano Rufino Biazon sa Kamara ang paggagawad ng karagdagang Quarters Allowance Scale para sa lahat ng opisyales at miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas bilang pagtugon sa kanilang inaasahang karagdagan sa kita at benepisyo nila.
Sinabi ni Biazon sa kanyang inihaing HB05844 na maliit lamang umano na benepisyo ang hinihiling nila para sa mga kawal subali’t malaking bagay ito upang maipaabot ng Kongrso sa kanila ang taos pusong pasasalamat at pagkilala sa nito sa pagiging tapat nila sa kanilang tungkulin at mga sakripisyo sa pagtatanggol nila sa ating kasarinlan.
Ayon kay Biazon, hindi sapat ang mga benepisyong natatanggap ng mga kawal at kanilang mga pamilya kung kaya’t kailangan na umanong dagdagan ang kasalukuyang quarter allowance ng mga kawal dahil napakamahal na ngayon ng halaga ng mga pangunahing bilihin bukod pa sa halaga ng pag-aarkila ng bahay at halaga ng gastusin para sa araw-araw na pamumuhay.
Idinagdag pa niya na upang maiangat umano ang kalagayan ng ating mga kawal at maitaas ang kanilang kasiglahan sa pagganap ng kanilang mga sinumpaang tungkulin ay dapat na gawaran sila ng mga karagdagang benepisyo at sapat na pabahay dahil ito lamang ang susi sa pagiging epektibo, maaasahan at propesyunalismo sa kanilang tungkulin.
Dapat nating unawain na ang kanilang tungkulin ay ang pag-aalay ng kanilang buhay para sa bansa na kahit na sa gitna ng panganib ay kanilang susuungin upang mapangalagaan lamang ang ating kalayaan, kapayapaan at katiwasayan, ani Biazon.
Nakasaad din umano sa ating Saligang Batas na tungkulin ng estado ang pangalagaan ang propesyunalismo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kaya’t malawakang suporta at insentibo para sa kanila ang dapat ialay ng lubusan, giit ng mambabatas.

<< Home