Pagsasapribado ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) Charter, aprubado na sa Kamara
Inaprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang pagbalangkas ng panukala na magsasapribado sa Girl Scouts of the Philippines Charter (GSP).
Sa panukalang iniakda ni Occidental Mindoro Rep Ma. Amelita Villarosa, layunin nito na ibalik ang kalagayan ng GSP bilang government-owned or controlled corporation (GOCC).
Sinabi ni Villarosa na kinikilala ng estado ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga kabataan sa paghubog ng ating lipunan kaya’t tungkulin umano ng estado na isulong at pangalagaan ang kanilang malusog na pangangatawan, malinis na pag-uugali at pag-iisip, may takot sa Diyos at may mabuting pagkatao, gayundin ang pagmamahal sa bayan at nasyonalismo, at ang paghimok sa kanila ng pakikitungo at pakikipagtulungan sa mga pampublikong adhikain.
Ayon sa kanya, ang GSP ay isa sa mga umiiral na organisasyon sa Pilipinas ngayon na epektibong nagsusulong ng mga adhikain na nakasaad sa ating Saligang Batas.
Sa ilalim ng kanyang panukala, ang GSP bilang isang kurporasyon, ay libre sa anumang buwis batay sa batas.
Lahat ng mga donasyon para sa GSP ay libre rin sa donor’s tax at iaawas ito sa gross income ng donor ngunit mahigpit namang ipagbabawal ang iligal na paggawa, pagbebenta at
pamamahagi ng mga kagamitan at uniporme ng Girls Scouts.
<< Home