Nabahala si Nograles sa panibagong pagtaas ng presyo ng langis
Nagpahayag ng kanyang pagka-bahala kahapon si House Speaker Prospero Nograles sa naging desisyon ng mga kumpanyang langis sa bansa na magtaas ng presyo ng gasolina kahit sinabayan ito ng isang rollback sa presyo ng mga produktong krudo at gaas.
Sinabi ni Nograles na dapat lamang umanong igiit ng Department of energy ang regulatory functions nito upang mahadlangan ang anumang mga balaking pagpapaginansiya ng mga oil firm.
Ayon pa sa Speaker, hindi pa nga natapos ang problema sa LPG issue, ito na naman at tayo ay kumakaharap na naman ng isang gasoline price increase at ang napipintong rollback na 50 sentimos kada litro ng diesel at piso kada litro sa kerosene ay sapat nang itumbas sa 50 sentimos na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Posible umanong may pagsisinungaling sa parte ng mga kumpanyang langis para makapagtaas ng kanilang mga presyo humigit kumulang tatlong buwan ang nakalilipas ng kanilang ipinahayag na sila ay mag-roll back dahil maaaring mayroon pa silang stock inventories na kanilang nabili habang ang presyo nito sa international market ay mababa pa.
<< Home