Ganap na automation ng 2010 elections, handa nang ipasa
Ipinahayag kahapon ni House Speaker Prospero Nograles na ang Mababang kapulungan ay hindi nagpapatumpik-tumpik pa sa posisyon nito hinggil sa panukalang ganap na automation ng 2010 elections ng kanyang mariing sinabi na ang liderato ng Kamara ay nagpasya nang ipasa ang P11.3 bilyong supplemental budget para sa Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi ni Nograles na ito marahil ang rason kung bakit binuo ng Kamara ang sarili nito bilang isang Committee of the Whole upang talakayin ang naturang supplemental budget para pondohan ang full automation ng 2010 local at national elecrtions upang mapabilis ang pagkaka-apruba nito sa plenaryo.
Binuo ang Kamara bilang Committee of the Whole nitong mga nakaraang sesyon upang ang mga deliberasyon ay maging malawak kung ang pag-uusapan ay ang mga makena at mga sistema na ipinanukala para sa automation program kung saan makakalahok ang mga technical person sa mga talakayan bago pa ito isalang sa buong plenaryo.
Ayon kay Nograles, wala naman umanong mga malalaking pagtutol sa naturang panukala maliban na lamang sa iilang mga reserbasyon ng mangilan-ngilang mga mambabatas na ang sistema ay maaaring hindi maging fool-proof .
Ang panukalang batas, ang HB05715, ay may layuning mag-outorisa sa pamahalaan na maglaan ng supplemental budget para sa isang Automation Election System sa halagang P11,301,790,000.00.
<< Home