Golez: 2010 election na lamang ang paghandaan kaysa sa impeachment
Dapat ang 2010 presidential elections ang pagtuunan ng pansin ng oposisyon at hindi ang pagsusulong ng walang kalaban-laban na impeachment complaint laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ang panindigan ni Paranaque Rep Roilo Golez kahapon ng tahasan niyang sinabi na walang kapana-panalo ang panibagong impeachment complaint laban sa Punong Ehekutibo kahit inendorso pa ito ni dating Speaker Jose de Venecia Jr.
Hindi rin umano niya makitaan ng kahalagahan sa pagsusulong ng impeachment ang pag-endorso ni de Venecia lalo na att pangunahing instrumento ito sa pagbasura ng katulad na mga reklamo noong 2005 hanggang 2007 at wala man lamang umanong nangahas na kaalyado nito na magpahayag ng suporta sa pag-endorso dito.
Nais naman ni Golez na tiyakin ng liderato ng Kamara de Representantes na magiging maayos at parehas ang deliberasyon ng impeachment complaint.

<< Home