Friday, September 06, 2024

 Hajji Pinayuhan ni Quezon Third District Representative Reynan Arrogancia ang Department of Justice na magmatyag laban sa sinumang opisyal o kawani na bigla na lamang mawawala kasunod ng pagkakaaresto kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.


Ayon kay Arrogancia, dapat maging alerto ang DOJ laban sa mga personnel na kaduda-duda ang pag-file ng leave o pagre-resign.


Maituturing na rin aniyang persons of interest at may planong tumakas ang pamilya o kaanak ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na biglang mawawala.


Kasabay nito, nagbabala ang kongresista sa mga personalidad na tumulong kay Alice Guo na makatakas patungong Malaysia at Indonesia na kahit magbitiw sila sa puwesto ay hindi titigil ang Kongreso at DOJ hangga't hindi sila naaaresto at naipakukulong.


Tutol naman si Arrogancia na gawing state witness si Guo dahil hindi umano ito ang "least guilty" sa mga kasong may kinalaman sa money laundering, human trafficking at illegal POGO operations.


Dagdag pa nito, kailangang ipatupad ang "maximum security" laban sa na-dismiss na alkalde at hindi dapat maging kampante dahil tiyak na mananagot ang responsable sakaling makatakas na naman ito o di kaya'y malagay sa panganib ang buhay habang nasa kanilang kustodiya.


Dfggjjyffdsghjjjjjjjn 

Hajji Nilinaw ni Justice Sec. Jesus  Crispin   Remulla na hindi basta-basta maaaring isagawa ang prisoner swap.


Ito'y sa gitna na rin  ng lumabas na ulat na kapalit ng pagpapabalik Pilipinas ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, ay hinihingi naman nila ang drug lord na si Gregor Haas na nahuli sa Cebu.


Sa budget briefing ng P40.5 billion na panukalang pondo ng ahensya, sinabi ni  Remulla na narinig lamang nila ang naturang impormasyon mula sa indoensian media.


Gayonman, wala naman  aniya silang natanggap na ganitong hiling.


At kung sakaling mayroon man, ang Departmemnt of Foreign Affairs aniya ang mangunguna dito.


Maaari lamang aniya umaksyon ang DOJ kung may otorisasyon sila na mag-bilateral na paguusap ng kaniyang counterpart.


Pero kailangan  pa rin aniya nito ng permiso sa legal  system ng Indonesia at sa panig ng Pilipinas, pag-payag ng Pangulo  at maaaring pati ng Kongreso.


"Ngayon, ang Prisoner's swap po, yan po ay trabaho ng DFA. Kung meron pong request ng Indonesian government, sa DFA po panadaanin yan. Kasi unless may authorization kami mag-bilaterals na aking counterpart sa Indonesia, siya permission from the legal system at sa akin po permission from the President and probably even Congress kung kailangan po.

Wala ko kaming permission. Kaya all of this will really have to go through the usual diplomatic route and the extradition will be the route taken here." ani  Remulla


##


Xcvvnnjuggdtuujfsfhhh


Hajji Kinumpirma ni  Solicitor General Menardo Guevarra na sisimulan na ng korte sa Tarlac ang pagtalakay sa inihain nilang petisyon na kanselahin ang birth certificate ni  Alice Guo.


Ito ang sinabi  ni Guevarra sa harap ng House Committee on Appropriations nang mahingan ng update sa mga kaso na inihain laban  kay  Guo.


Nakatakda aniya ang summary hearings para dito sa September 18.


Pagdating naman sa inihaing quo-warranto case, umaasa ang Office of the Solicitor General na matapos muna  ng korte ang petition to dismiss  na inihain ng kampo  ni Guo.


Oras na ma-resolba ito ay maaaring makapagbaba na rin ang korte ng desisyon.


Pagdating naman sa  kaso ni Guo patungkol sa Qualified Human  Trafficking, inilahad  ni Justice USec. Felix Ty na submitted for resolution na noong Martes pa ng nakaraang linggo ang kaso.


Kaya naman umaasa silang sa  susunod   na linggo ay makapaglabas na ng  desisyon ang korte para dito.


##


Dddfffghhjjjjjgffsadgg


Hajji Nagbago ng testimonya ang dating officer-in-charge ng Davao Prison and Penal Farm na si noo'y Superintendent Gerardo Padilla na may kaugnayan sa pagpaslang sa tatlong Chinese drug lords noong taong 2016.


Sa ikaapat na pagdinig ng Quad Committee sa Kamara hinggil sa umano'y extrajudicial killings, war on drugs campaign ng administrasyong Duterte at criminal activities sangkot ang mga POGO, kinumpirma ni Padilla na nagpalit siya ng affidavit na pirmado at isinumite noong September 2 na salungat sa naunang salaysay noong August 27.


Nang usisain ni Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel kung bakit siya nagbago ng tono, inamin ni Padilla na inisip niya lamang ang sariling kaligtasan.


Nakasaad sa bagong affidavit na mayroong inilabas na memorandum mula sa national headquarters o sa New Bilibid Prison na ilipat ang tatlong Chinese nationals mula sa Bilibid patungong Davao Prison.


Wala aniyang pasilidad ang Penal Farm para sa high-risk at high-profile inmates kaya inilagay ang mga Chinese sa Selda Sais na bahagi ng bartolina.


Inamin din ni Padilla na nakausap niya sa cellphone si dating PCSO General Manager Royina Garma na noo'y miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG.


Sinabi umano ni Garma na mayroon silang tauhan na ipapasok sa selda ng mga Chinese upang patayin ang mga ito.


Pagbubunyag ni Padilla, nagbanta si Garma na huwag siyang makialam, huwag kuwestyunin ang operasyon at makipagtulungan na lang dahil kung hindi ay mananagot siya at madadamay ang pamilya ng warden.


Kumbinsido naman si Pimentel na umaayon sa testimonya ng isa sa suspects na si Leopoldo Tan ang affidavit ni Padilla.


Xxxxxxxxccxccccx


Hajji Kumpiyansa ang Commission on Elections na muling magtatagumpay ang pinalakas na kampanya nito laban sa vote-buying sa 2025 midterm elections.


Sa budget briefing ng COMELEC sa House Committee on Appropriations, ibinida ni Chairman George Erwin Garcia na sa nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay wala silang naitalang pamimili ng boto gamit ang electronic platforms.


Nakipag-ugnayan kasi aniya ang COMELEC sa leading platforms kasama na ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council upang hindi payagan ang kaduda-dudang pagpapadala ng pera gamit ang e-wallet.


Isa rin umano sa mabisang hakbang ng poll body ang presumption ng ilang uri ng vote-buying tulad ng pagpapadala ng pera sa dalawampung indibidwal, pag-iikot sa barangay ng isang taong may dalang malaking halaga at pagdadala ng indelible ink.


Ipinunto pa ni Garcia na dahil sa epektibong kampanya na "Kontra-Bigay" ay may mga kandidato na hindi naiproklama at nabawi lamang matapos ang masusing imbestigasyon.


Giit nito, banta sa demokrasya ang pamimili ng boto kaya nanawagan ito sa mga ahensya ng gobyerno na makipagtulungan dahil hindi nila kakayanin ang kampanya nang mag-isa.


Xxxxxxxxccxccc  ccc

Hajji Kinumpirma ng Department of Education na walang itong "official records" ng pagbabayad na ginawa sa illustrators ng kontrobersyal na libro ni Vice President Sara Duterte na "Isang Kaibigan".


Sa budget briefing ng DepEd sa House Committee on Appropriations, sinabi ni Secretary Sonny Angara na job order employees mula sa Public Affairs Service ang dalawang illustrators ng libro at maaaring ginawa nila ito nang libre  o nagpabayad sa labas ng ahensya.


Nilinaw din ni Undersecretary for Curriculum and Teaching Gina Gonong na walang "public funds" na ginamit para sa produksyon o quality assurance ng "Isang Kaibigan".


Wala umanong naging papel ang DepEd sa development, printing at reproduction ng libro at nalaman lamang nila na ito ang babasahin ni Vice President Sara Duterte sa programang "Araw ng Pagbasa" sa isang public elementary school.


Paliwanag ni Gonong, taun-taon nilang idinaraos ang reading sessions kung saan nag-iimbita ang DepEd ng reading ambassadors at hinahayaan nila ang mga ito na mamili ng storybook na babasahin basta't angkop sa kakayahan at pang-unawa ng mga bata.  


Bagama't may preparasyon ang DepEd sa mismong aktibidad, hindi aniya kasama ang ahensya sa distribusyon at ang mga kopya ng libro ay nakalaan lamang para sa mga mag-aaral.

Free Counters
Free Counters