Sunday, September 01, 2024

DATING PCSO GM GARMA, IPAPAARESTO KUNG HINDI DADALO SA QUADCOMM HEARING

Dadalo ka ba sa imbestigasyon ng Quad Committee o gusto mong maaresto?

Ito ang babala ng Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, Surigao del Norte Rep. Robert Ace S. Barbers patungkol kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, isang retired Police Colonel, na kung hindi nito sisiputin ang pagdinig ng House Quad Committee ay mapipilitan ang naturang Komite na magpalabas ng arrest order laban sa kaniya. 


(Ang Quad Committee Committee ng Kamara de Representantes ay binubuo ng apat na "standing committees" sa Mababang Kapulungan na nag-iimbestiga sa mga pangunahing issues na nakakulapol o nakakabit sa dating administrasyong Duterte kabilang na dito ang Extra-Judicial Killings (EJK), madugong war-on-drugs campaign at illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).)


Sinabi ni Barbers na naglabas ang Quad Committee ng subpoena para kay Garma upang obligahin siyang magpakita o humarap sa isinasagawang imbestigasyon ng Komite kaugnay sa kaso ng EJK, paglaganap ng illegal drugs at iba pang uri ng kriminalidad na isinasangkot sa pamahalaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. 


Paliwanag pa ni Barbers na ang Quad Committee (na binubuo ng Committee on Dangerous Drugs, House Committee on Public Order and Safety, Committee on Human Rights at Committee on Public Accounts) ay nakadiskobre ng mga mahahalagang impormasyon kung saan napakalaki aniya ang naging papel ni Garma para pangunahan nito ang mga tinatawag na "unlawful operations" noong siya pa ay nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao. 


Bukod dito, nabatid pa sa kongresista na ang testimonya ng mga pangunahing testigo na iniharap nila sa Quad Committee ay direktang nagsasangkot kay Garma sa Extra-Judicial Killings ng tatlong Chinese nationals sa  na nangyari mismo sa loob ng Davao Prison and Penal Farm na sina Chu Kin Tung, Jackson Li at WongWong na pawang nasentensiyahan dahil sa pagkakasangkot nila sa illegal drug sale.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO




Pagdidiin pa ni Barbers na ipinahayag mismo ng mga testigo na kinakasangkapan umano ni Garma ang kaniyang katungkulan sa CIDG para planuhin at tiyakin na ang mga nasabing Chinese nationals ay "maitutumba" sa katwirang bahagi ito ng anti-drug campaign ng pamahalaang Duterte. 


"These are not isolated incidents but part of a broader pattern of abuse that we believe Garma had a direct hand in. The gravity of these allegations cannot be overstated," sabi ni Barbers.

Free Counters
Free Counters