Thursday, August 08, 2024

 RPPt Speaker Romualdez: 6.3% GDP growth inspirasyon para lalo pang isulong pag-unlad ng bansa



Ang naitala umanong 6.3 porsiyentong paglago ng ekonomiya sa ikalawang quarter ng taon ay nagsisilbing inspirasyon para lalo pang isulong ang patuloy na pag-unlad ng bansa at indikasyon na tama ang mga polisiyang pang-ekonomiya na ipinatutupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.


Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nagpahayag din ng paniniwala na magpapatuloy ang pag-angat ng ekonomiya dahil sa kolaborasyon ng ehekutibo at lehislatura para mapaganda ang kalagayan ng mga Pilipino.


“The 6.3 percent economic growth rate shows the effectiveness of President Bongbong Marcos' economic strategies and the solid legislative support of Congress. Our economy is steadily recovering and growing, creating more job opportunities and improved quality of life for Filipinos,” ani Speaker Romualdez.


Kinilala rin ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng naitalang paglago sa industry (7.7%) at services (6.8%) sectors sa paglikha ng mapapasukang trabaho at pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.


"Ang pag-angat ng sektor ng industriya at serbisyo ay napakahalaga dahil nagbibigay ito ng maraming trabaho na importante sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang patuloy na paglago ng mga sektor na ito ay patunay ng tiwala ng mga Pilipino sa ating ekonomiya at sa kinabukasan ng bansa," wika pa ni Speaker Romualdez.


Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang paglago ng household consumption na tumaas ng 4.6%, isang patunay na mayroon umanong kumpiyansang gumastos ang mga konsumer.


Lumaki rin umano ang paggastos ng gobyerno ng 10.7%, na pagpapakita umano ng pagtupad ng pangako ng gobyerno na pagandahin ang serbisyo publiko at pagandahin ang mga pampublikong imprastraktura.


“Our government’s focus on infrastructure projects and public services is paying off. The substantial growth in government spending underscores our dedication to building a better future for all Filipinos,” sabi nito.


Ang construction sector ay lumago naman ng 16% na lumikha ng mga trabaho at naglatag ng pundasyon para sa pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya. Ang transportation (14.8%) at storage (10.5%) sectors ay nakapagtala rin ng pag-unlad.


Sinabi naman ni Speaker Romualdez na tutulong ang Kamara upang matulungan ang sektor ng agrikultura na nakapagtala ng 2.3% pagbaba sanhi ng El Niño phenomenon.


“Hindi namin ipagwawalang-bahala ang mga hamon sa sektor ng agrikultura. Ang administrasyong ito ay nakatuon sa pagbibigay ng sapat na suporta sa ating mga magsasaka at mangingisda upang matulungan silang makabangon at umunlad,” saad pa ng lider ng Kamara.


Ang pagbaba ng 4.2% ng export sector ay nanganhgahulugan din umano ng pangangailangan na palakasin ang global competitiveness ng bansa.


“As we celebrate these achievements, we must also address the areas where we need to improve. Strengthening our global competitiveness is crucial to sustaining our economic growth,” sabi nito.


Muli ring inulit ni Speaker Romualdez ang pangako nito na makipagtulungan sa executive branch upang makapaglatag ng mga polisiya na magpapalakas sa ekonomiya ng bansa.


“We stand united with the executive branch, determined to implement policies that perpetuate this growth momentum. Ang aming pokus ay nasa pagpapalakas ng lokal na industriya, pagpapalakas ng mga maliliit at katamtamang negosyo, at pagtiyak na ang benepisyo ng paglago ng ekonomiya ay maramdaman ng lahat ng Pilipino,” sabi pa nito.


Nagpahayag din ng kumpiyansa si Speaker Romualdez sa patuloy na agumpay ng ekonomiya ng bansa at kakayanan ng mga Pilipino na malagpasan ang mga pagsubok.


“These stellar economic indicators for the second quarter of 2024 are a testament to the indomitable spirit and diligence of the Filipino people, alongside the strategic economic policies of President Bongbong Marcos and the legislative support of Congress,” sabi pa ng lider ng Kamara.


“Let us forge ahead, building on this unparalleled success, and strive for a future of greater prosperity and inclusivity for our nation,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)

Free Counters
Free Counters