Hajji Nilinaw ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na walang itatayong karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites sa bansa.
Sa briefing ng Defense Department sa Kamara ngayong araw para sa proposed 2025 budget nito na 258.16 billion pesos, pinadetalye ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang usapan para sa pagpapalawak ng MDT at kung may babaguhin dito.
Pero ipinaliwanag ni Teodoro na mananatili ang siyam na EDCA sites at ang pangunahing layunin ng pagpapalawak sa MDT ay muling pag-aralan ang interpretasyon ng kasunduan upang gawing akma sa pagtugon sa mga banta na hindi agad nakikita tulad ng cyber threats.
Palalakasin aniya nito ang inter-operable measures para sabayan ang mga bagong taktika ng China sa pamamagitan ng defense-to-defense level.
Nakapaloob sa 500 million US Dollars na military funding sa Pilipinas ang enhancement ng siyam na EDCA sites at security assistance sector partikular sa command and control at land, sea at air capabilities.
Punto ng kalihim, mayroon nang iba't ibang pamamaraan ng aggression ang China kabilang ang paggamit ng maritime militias at panlilinlang ng China Coast Guard vessels.
Binigyang-diin pa ni Teodoro na kailangang makipagtulungan ang Pilipinas sa mga kaalyadong bansa upang patatagin ang defense posture at masigurong ang 200-mile exclusive economic zone ay mapakikinabangan ng mga Pilipino.
—————
Hajji Aminado ang Department of Information and Communications Technology na sasapat lang ang panukalang budget nila sa 2025 para maipatupad ang libreng WI-FI program ng gobyerno sa loob ng limang buwan.
Sa briefing ng DICT para sa proposed 7.8 billion pesos na budget nito sa susunod na taon, sinabi ni Secretary Ivan Uy na 2.5 billion pesos ang alokasyon para sa free WI-FI project na kayang i-sustain ang 13,462 free Wi-Fi live access point sites sa mga pampublikong paraan.
Ngunit ang subscriptions ay tatagal lamang ng hanggang limang buwan kaya para mapalawak ang maaabot ng programa ay kakailanganin aniya ng dagdag na pondo.
Ipinunto ni Uy na sa pagpopondo ng mga inisyatiba ay matitiyak na makasasabay ang Pilipinas sa pag-usbong ng teknolohiya na magdudulot ng paglago ng ekonomiya at magpapabuti sa kalidad ng buhay.
Pinuna rin ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera ang masyadong maliit na budget para sa programa at inusisa kung nangangahulugan ito na walang libreng Wi-Fi sa public sites sa nalalabing bahagi ng 2025.
Giit naman ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy, 3.6 billion pesos ang kakailanganin upang mapanatili ang programa hanggang sa pagtatapos ng 2025.
Nanawagan si Herrera sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang dagdag na pondo para sa DICT dahil alinsunod ito sa Free Internet Access in Public Places Act.

<< Home