Grace sa budget hearing ng house committee on appropriations ay tiniyak ni dept of social welfare and development o DSWD secretary rex gatchalian na sapat ang mahigit 114.1 billion pesos na budget para sa pantawid pamilyang pilipino program o 4Ps para sa susunod na taon.
mas mataas aniya ito ng 7 percent sa budget ngayong taon at tiyak na sapat para maibigay ang ayudang nakalaan sa 4.4 milyong pamilyang benepisaryo.
sabi pa ni gatchalian, hindi kukulangin ang pondo lalo’t hindi naman lahat ng benepisaryo ay nakakasunod sa mga kondisyon para makuha nila ang ayuda.
VC 1
narito ang kanyang pahayag….
51:50 - 52:16
IN…. it can suffice because
OUT… they cannot comply
samantala, maging si secretary gatchalian ay hindi rin sang-ayon na hindi maituturing na food poor ang may kakayahang gumastos ng mahigit 64 pesos sa pagkain kada araw.
21 pesos ito kada meal na ayon kay gatchalian ay hindi sapat.
biniyang diin naman ni gatchalian na hindi lang ito ang ginagamit na batayan sa pagpili ng mga benepisaryo para sa mga programang tumutulong sa mga kababayan nating higit na nangangailangan.
VC 2
narito ang dagdag na pahayag ni gatchalian.
1:00:35 - 1:00:57
IN… the dswd and our social workers agree
OUT… identify our beneficiaries
<< Home