Grace 24 oras na ikukulong sa detention facility ng house of representatives si dating presidential spokesman atty harry roque matapos patawan ng contempt.
isinulong ni kabayan partylist ron salo na macontempt si roque makaraang mabatid ng komite na nagsisinungaling ito sa rason ng hindi nya pagdalo sa unang pagdinig ng komite sa bacolor pampanga noong aug 16.
sa liham ni roque sa committee noong aug 13 ay kanyang sinabi na hindi sya makakadalo sa pagdinig dahil may hearing sya sa manila regional trial court.
pero sa certification na nakuha ng komite mula sa clerk of court ng manila RTC ay lumalabas na wala itong hearing ng nabanggit na araw.
nag-sori si roque at sinabing honest mistake ang kanyang nagawa dahil nalito sya at inakalaang byernes ang hearing nya sa rtc at sa pagkakaalam nya ay hindi naman nagsasagawa ng pagdinig ang kamara.
nanindigan naman ang quad committee na nagsinungaling si roque sa kamara kaya walang komontra sa mosyon ni salo na dahilan para pagtibayin ito ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na syang chairman ng Committee on Dangerous Drugs at pangkalahatang tagapangulo ng quad-committee.
#####
<< Home