Anne Malamig si House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe sa panukalang palawigin ang termino ng mga Kongresista mula sa tatlong taon gagawin itong limang taon sa loob ng dalawang magkasunod na termino.
Ang nasabing panukala ay nakapaloob sa Resolution of Both Houses No.8 na inihain nuong Lunes ni Ilocos Norte Representative Angelo Barba.
Ayon kay Dalipe sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Martin Romualdez ang isinusulong nito ay ang pag-amyenda sa 1987 Constitution partikular ang "restrictive" economic provisions na nakapaloob sa saligang batas.
Kaya ayon kay Dalipe nakatutok dito ang Kamara dahil ito ang nakikita nilang makabubuti para sa ating bansa.
Ang pag-amyenda sa economic provision sa konstitusyon ay suportado ng publiko at maging ng business community.
Inihayag ng house leader na kanila ng isinumite sa Senado ang kanilang bersiyon sa economic charter, ito ang Resolution of Both Houses No. 7 na inakda ni Speaker Martin Romualdez.
Dagdag pa ni Dalipe na hindi niya alam kung kanila pa ma-accomodate ang panukalang palawigin ang termino ng mga kongresista.
<< Home