Friday, July 02, 2021

-SAKRIPISYO NG HEALTH WORKERS SA GITNA NG PANDEMYA, KINILALA NG ISANG MAMBABATAS

Sinusuportahan ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran ang mga healthcare workers sa kanilang hindi matatawarang responsibilidad ngayong pandemya sa harap naman ng kontrobersya sa pagsasaksak ng bakuna laban sa Covid 19 sa mga pasyente. 


Ayon kay Taduran, imposibleng sadyain ng mga healthcare workers na huwag iturok sa mga pasyente ang bakuna. 


Pagtatanong pa ng solon: aanhin naman nila ang hindi naiturok na bakuna?


Dadag pa niya na ang bakuna, kapag naihanda na siya para ma-inject, at nahaluan na ng diluting solution, sira na kapag hindi nagamit agad. 


Ayon pa kanya, ang iba pang bakuna, six hours lang ang shelf life kapag na-puncture na ng karayom ang vial na kinalalagyan nito.


Ang naturang pahayag ay bilang reaksyon niya sa kumakalat na mga video ng health care workers na hindi naitutulak ang pang-iniksyon kaya’t nabibigong maisaksak ang bakuna sa pasyente.


Ayon pa sa kanya, napapagod din ang mga healthcare workers at nagkakamali.


Dahil dito hinihikayat niya ang mga nagpapabakuna na bantayan ang ginagawa sa kanila para maitama ang mga pagkakamali.

Free Counters
Free Counters