P568 Billion pondo para sa Philippine Economic Stimulus Act, aprupado na sa Kamara
Inaprubahan na sa komite ng Kamara ang laang P568 bilyong pondo para sa Philippine Economic Stimulus Act (PESA).
Layunin ng panukala na protektahan ang nasa 30 milyong manggagawa sa bansa at mga maliliit na negosyo laban sa epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.
Sa ilalim ng PESA, maglalaan ng P110 billion wage subsidies sa Department of Labor and Employment (DOLE) at P30 billion Cash For Work sa ilalim ng DOLE-Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) para sa mga informal sector workers.
Maglalaan din ng P95 Billion para sa pautang ng Small Business Corporation’s (SBCorp) hanggang sa susunod na taon, P50 Billion na interest-free loan program para sa SMEs at agri-fishery sector, P40 Billion loan guarantee sa ilalim ng Philippine Guarantee Corp., at P10 Billion na dagdag na ayuda para sa mga MSMEs na apektado ngayong taon ng pandemic.
Palalakasin din ang industriya ng turismo sa pamamagitan ng paglalaan ng P58 Billion para sa Department of Tourism, P75 Billion naman sa Department of Transportation, P44 Billion naman sa grants at technical assistance sa ilalim ng Board of Investments (BOI) para sa mga negosyong kabilang sa exporting at importing.
Mayroon ding P66 Billion na ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda at P50 Billion para sa National Development Company (NDC) na ilalaan sa mga negosyong lubhang napabagsak ng epekto ng coronavirus disease.
Kasama rin sa PESA ang P650 Billion na pondo para sa Build, Build, Build Program para sa tatlong taon na sisimulan naman sa 2021.
<< Home