Regional wages boards, hinimok na taasan ang minimum na sahod ng mga manggawa sa labas ng NCR
Hinimok ngayon ni House Committee on Overseas Workers Affairs Vice Chairman at ACT CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo ang lahat na Regional Wages Boards sa bansa na itaas sa 450 pesos ang minimum wages ng mga manggagawa sa labas ng National Capital Region (NCR).
Ginawa ni Tulfo ang panawagan kasunod ng pagpapatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mandatory repatriation para sa mga Overseas Filipino workers o OFW sa gitnang silangan bunsod ng kasalukuyang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Paliwanag pa ng mambabatas, layon ng mungkahing ito na hikayatin ang mga Pilipino na hindi na mangibang bansa dahil sapat ang kanilang sinasahod dito sa Pilipinas.
Kaugnay nito ay iginiit ng kongresista na dapat nang magkaroon ng inclusive economy sa bansa kaya hinahanda na nito ang aniyay “historic game-changer” na panukalang batas na magsusulong ng sapat ng sahod para sa lahat ng mga mangagagawa.
Sa huli ay aminado ang lady legislator, na hindi ito magiging madali dahil tiyak may mga employers group na kokontra dito.
<< Home