Pag-iibayuhin pa ng Kamara ang pagta-trabaho para matiyak ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad
Hinihimok ngayon ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga kasapi ng mababang kapulungan ng kongreso na bilisan at pag-ibayuhin pa ang pagtatrabaho para matiyak ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad sa bansa.
Ayon kay Cayetano, nililindol, daanan ng bagyo at sakop ng pacific ring of fire ang Pilipinas kaya prone sa kalamidad ang bansa bagay na dapat pinaghahandaan ng pamahalaan.
Aniya, kailangan na mag-improve ang rehabilitation program ng gobyerno lalo na ang disaster response at gawing aral ang mga nagdaang malalaking kalamidad sa bansa gaya ng supertyphoon Yolanda.
Magagawa lamang aniya ito kung magkakaisa ang mga nasa pamahalaan sa paglikha ng mga programa at panukala sa disaster preparedness.
Sa ngayon ay minamadali na ng kamara ang pagpasa ng Department of Disaster Reselience Bill na siyang hahawak sa paghahanda ng pamahalaan sa tuwing may kalamidad habang nakatakdang magpasa ang kongreso ng supplimental budget para sa mga biktima ng Taal volcano eruption.
<< Home