Mga parmasya a dug stores, pinaalalahanang hhuwag samantalahin ang nangyaring trahedya sa pagsabog ng Taal volcano.
Hiniling ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa association of pharmacies and drug stores na paalalahanan ang kanilang mga miyembro na huwag samantalahin ang nangyaring trahedya sa pagsabog ng Taal volcano.
Ayon kay Garin ang pagtatas ng presyo ng gamot dahil may matinding demand dito dahil sa natural disaster ay hindi ekonomiya kundi isang pandaraya at pagkagahaman.
Mas mainam aniya, kung ikokonsidera palawigin ng mga botika ang paggagawad ng 20 porsiyentong diskwento sa mga senior citizens na biktima ng taal volcano eruption.
Bilang isang doktor at ina, naniniwala si Garin na ang mga pagkakataong tulad nito ay oportunidad din para maipakita ang pagmamahal sa kapwa.
Wala aniya ibang hihilingin kundi ang kaligtasan at agarang pagbangon ng mga kababayang BatangueƱo at iba pang apektado lugar sa lalawigan.
Ayon pa sa mambabat!s hindi kailanman naging mali na isipin ang mabuting kapakanan ng iba, lalo na sa panahon ng sakuna.
<< Home