CSC, bukas sa panukalang automatic eligibility sa mga Pinoy athletes at coaches na nagkamit ng gintong medalya sa mga international sporting events
Bukas ang Civil Service Commission (CSC) sa panukala ni House Committee on Civil Service and Professional Regulation chair at Iligan lone District Rep.Frederick Siao na bigyan ng automatic eligibilty ang mga filipino athletes at coaches na nagkamit ng ginto medalya sa mga intartional sporting events tulad ng South East Asian Games o SEA games.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, supportado nila ang hakbang na bigyan ng otomatikong civil service eligibility ang mga pinoy gold medalists at coaches dahil nag bibigay ang mga ito ng karangalan at international recognition sa bansa.
Dagdag pa ni Lizada, mayroong special laws at issuances ang komisyon na applicable sa SEA Games medalists at sa kanilang coaches bukod pa sa ibinibgay na written examinations.
Sa huli ay naniniwala ang opisyal na malaki ang maitutulong ng mga coaches at mga winning athletes sa mga susunod na henerasyon ng mga atleta na isasabak sa mga future sports competitions.
<< Home