Tuesday, April 26, 2011

Anak ng guro sa pampublikong paaralan, libre nang mag-aral sa kolehiyo

Isinusulong ngayon sa Kamara de Representantes ang panukalang magbibigay magandang kinabukasan sa mga anak ng guro na nagtuturo sa mga pampublikong paaralan.

Layunin ng HB04077 ni ACT partylist Rep Antnonio Tinio na mabigyan ng libreng edukasyon sa kolehiyo ang anak ng guro para makatulong sa kanilang suliranin.

Sinabi ni Tinio na bagamat isinabatas na ang Magna Carta for Public School Teachers noong 1996, nananatili pa ring naghihitay ang mga guro sa benepisyong nakalaan para sa kanila para matugunan ang kanilang kahirapan.

Pangunahing layunin ng panukala ni Tinio na mai-angat ang kabuhayan ng mga guro sa
pamamagitan ng probisyong non-wage benefit sa uri ng libreng tuition fee para sa kanilang anak na nasa kolehiyo.

Sa panukala, libre sa lahat ng bayarin sa tuition fee at iba pang mga bayarin ang mga nabanggit na benipisyaryo subalit kailangan kumpleto ito ng minimum requirement ng unibersidad, kolehiyo o kahit anong public technical o vocational school sa ilalim ng TESDA o Technical Education and Skills Development Authority.

Sakaling parehong guro ang mag-asawa, dalawa din ang malilibre sa kanilang anak.
Free Counters
Free Counters