Mga katangian para mapatiwala ang mamamayan sa pamamahala: integridad at kakayahan
Ipninahayag ni House Speaker Feliciano Belmonte na ang integridad at kakayahan ang dalawang katangian ng propesyon ng mga abogado ang mahalagang nakakapagpataas ng patitiwala ng mga mamamayan sa pamamahala.
Sa kanyang mensahe sa ika-13 Ntional Convention of Lawyers na ginanap sa Subic Exhibition and Convenyion Center noong ika-9 ng Abril ng kasalukuyang taon, sinabi ni Belmonte na ang kakayahan, sa pamamagitan ng kaalaman, dunong at katangiang maasahan ay hindi umano maihihiwalay sa integridad – ang pagsisikap na manatiling tunay at matapat at sang-ayon sa kanyang mga kilos kahit pa mangangahulugan ito ng panganib sa kanyang sarili.
Ayon pa sa kanya, ang kahalagahan umano ng isang lipunan sa pagkilala sa mga abogado ay ang mataas na pagtitiwala at paggalang sa kakayahan at integridad nila.
Ilan sa mga matataas na pinuno na dumalo sa pagpupulong ay sina Justice Santiago Kapunan, OIC National President; Atty. Roan Libarios, Incoming IBP National President; Central Luzon Governor Ferdinand Miclat at mga myembro ng Board of Governors; Zambales Chapter President Deo Amor David at lahat ng mga Chapter Presidents at opisyales.
Nanawagan si Belmonte sa mga abogado na maging sensitibo sa mga pagbabago sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay na umuugnay sa pulitika, ekonomiya, panglipunang gawain, at pandaigdigang karapatan sa kalikasan.
Ayon sa kanya, ang mga ganitong pagbabago ang mabigat na hamon na hinaharap umano ng ating mga abogado upang maresolba ang mga masalimuot na suliraning ligal
Ganito rin daw ang kinakaharap ng ating mga mambabatas upang maisaayos ang mga umiiral na batas para sa mga nagpapatupad nito at para sa mga hukom na nagpapakahulugan nito.

<< Home