Monday, March 28, 2011

Suliranin ng bansa sa malnutrisyon, tutugunan ng Kongreso

Iminungkahi ni Alagad partylist Rep Rodante Marcoleta na magtatag ng Barangay Integrated Development Approach for Nutrition Improvement (BIDANI), isang programang magsasagawa ng pag-aaral kung papaanong magkatulungan ang mga unibersidad at ang mga lokal na pamahalaan sa pagsasaayos at pagpapa-unlad ng nutrition program para sa mga mamamayan.

Sinabi ni Marcoleta na ang HB01330 na prinsipal na kanyang inakda ay naglalayong mapapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan lalo na sa mga batang naninirahan sa mga itinuturing na depressed barangay.

Ayon sa kanya, ang programang kanyang iminungkahi ay magbibigay ng kamulatan sa kahalagahan ng nutrisyon at kung papaano maging produktibo uapng mapaunlad ang kalagayan ng bawat mamamayan.

Iginiit ng mambababats na ang malnutrisyon ang dahilan ng malawakang paghihirap ng bansa dahil ito ang nagpapaantala ng pisikal na kagalingan ng mga mamamayan at ito ay nakakaapeko sa paglaki ng mga bata at maging sa kanlang pag-iisip kung sila ay malnourished, dahilan para hindi sila maging alisto sa paaralan at hindi makakakuha ng magandang trabaho pagdating ng panahon.

Batay sa panukala, itatatag ang National Nutrition Council (NNC) na siyang mamamahala at magsasagawa ng pakikipag-ugnayan sa mga unibersidad na pinupondohan ng pamahalaan at siyang gagawa ng mga alituntunin at regulasyon na dapat sundin upang maipatupad ang mga probisyon ng panukalang ito.
Free Counters
Free Counters