Isang bagong abugado, miyembro ng legal team sa impeachment
Hinimok ngayon na maging abugado ng mamamayan ang mga bagong abugado na pumasa sa 2010 bar examinations.
Kasabay ng pagbati ni Bayan Muna partylist Congressman Neri Colmenares sa mga bagong lawyers ay ikinatuwa din nito ang pagkakapasa ng pinakabata at bagong abugado na kabilang sa impeachment legal team-laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.
Tinukoy ni Colmenares si Atty. Maria Cristina Yambot, 23 taong gulang at graduate ng University of the Philippines College of Law.
Sinabi ni Colmenares na malaki ang naging partisipasyon ni Atty.Yambot sa paghahanda ng mga testigo at documentary evidence sa Fertilizer Fund Scam at Euro Generals.
Ginawang halimbawa ni Colmenares si Atty.Yambot na tularan ng mga bagong lawyer para magsilbi sa mga mahihirap at naaping sektor sa bansa.
Hinikayat din naman ng kongresista ang mga hindi nakapasa sa bar exams na tumulong bilang paralegal para magbigay ng ligal aid sa komunidad.
Nauunawaan ni Colmenares na talagang napakahirap ng bar exams ngunit ang mga hindi nakapasa dito, ayon sa kanya, ay nagtataglay pa rin ng kaalamang legal na mapapakinabangan habang naghihintay muli ng susunod na eksaminasyon.

<< Home