Wednesday, January 05, 2011

Para Sa Aking Kumpareng +Ding

Nais kong magbigay pugay sa Iyo, Pare, pagpupugay na hindi ko man lamang naipahiwatig noong Ikaw ay puno pa ng buhay at sigla.

Pinasasalamatan ko ang buong pagkakataon na nakilala at naging kaibigan Ka - naging isang inspirasyon Ka sa aking buhay-mamahayag.

Ang Iyong kahinahunan at kabaitan, bukod pa sa Iyong angking katalinuhan, ay aking kinaiinggitan ngunit ginawa kong huwaran.

Sa Iyong pagpanaw, sana nawa ay maging maligaya Ka sa piling ng ating Poong Maykapal.

Paalam, Kaibigan.

pareng terence

-------------------


(Nakikiramay ang pitak na ito sa pagpanaw kahapon ng 12:30 ng tanghali (ika-4 ng Enero 2011) ng isang kasamahan sa hanap-buhay na si G. Fernando "Ding" Cariaso ng Journal Group of Companies. May his soul rest in peace, Amen.)
Free Counters
Free Counters