Pinaigting na batas laban sa mga sindikatong gumagamit ng bata, ipapasa
Paiigtingin ng Mababang Kapulungan ang operasyon laban sa mga sindikatong gumagamit ng kabatan sa kanilang iligal na gawain sa pamamagitan ng pag-aamiyenda ng kasalukyang batas hinggil sa juvenile justice system.
Sinabi ni Sorsogon Rep Salvador Escudero, may akda ng HB00467, na sa kasalukuyang batas, ang RA09344, lahat ng bata na may edad 15 pababa at mga kabataang nasa edad 15 pataas ngunit di lalampas sa 18 napapagitna sa isang kaguluhan ay walang pananagutang kriminal o hindi dapat masampahan ng kasong kriminal.
Ayon Kay Escudero, ang probisyong ito umano ay nagagamit ng mga sindikato upang makaligtas sila sa pananagutan at maiwasan ang kaparusahan ng batas at dahil na rin sa katotohanang ang mga bata ay hindi maaaring makasuhan ng anumang krimen kaya sila ang madalas na ginagamit ng mga sindikato.
Ang RA09344 ang nagtatag ng isang komprehensibong juvenile justice at welfare system sa pamamagitan ng pagtatag ng juvenile justice and welfare council na nasa pangangasiwa ng Department of Justice (DOJ).
Idinagdag pa ni Escudero na sa pag-amiyenda ng RA09344, ang mga kabataang masasangkot at makagagawa ng krimen ay hindi na makakaiwas sa kaparusahan ng batas ayon sa isinasaad sa HB00467.
Ito rin halos ang nakasaad sa mga panukalang inihain nina Caloocan City Rep Mary Mitzi Cajayon, may akda ng HB02611 at Bacolod City Rep Anthony Rolando Golez Jr. na nagpanukala rin na amiyendahan ang RA09344 na nagbabalik sa pananagutang kriminal ng mga kabataang masasangkot sa iligal na gawain kahit na sila ay 18 pa lamang ang edad.
Naniniwala naman si Davao Rep Karlo Alexei B. Nograles, may akda ng HB03077, na dapat sumailalim sa isang masusing intervention program na pangangasiwaan ng lokal na social welfare and development officer ang mga kabataang paulit-ulit na makakagawa ng krimen at dapat silang ituring na mga kabataang napabayaan.

<< Home