Pagbibigay ng Vitamin A makakabawas sa maagang pagkabulag ng mga bata
Isinusulong ngayon ni Las PiƱas Rep Mark Villar ang panukalang naglalayon magbigay ng libreng Vitamin A upang maiwasan ang mga sakit na dala ng kakulangan dito, partikular na ang maagang pagkabulag.
Ayon kay Villar napapanahon na upang harapin ng pamahalaan ang problemang kakulangan sa bitamina A o Vitamin A Deficiency (VAD), na kadalasang sanihi ng maagang pagkabulang sa mga batang nasa edad pito pataas.
Batay sa HB01250 patatatagin ang kasalukuyang batas sa kung saan nakasaad dito na lahat ng batang Pilipino mula sanggol hanggang pitong taong gulang ay bibigyan ng Vitamin A supplementation ng libre upang makaiwas ang mga bata sa mhga problemang pangkalusugan na dala ng VAD.
Sinabi ni Villar na importante umano ang vitamin A sa katawan ng bawat tao lalo na sa pagpapalusog ng paningin, malalakas na buto at normal na paghahati-hati ng bawat cell ng isang tao habang siya ay lumalaki.
Dagdag pa ng mambabatas, malaking tulong ang bitamina A sa pagpapalakas ng paanlaban sa sakit at impeksiyon ng bawat tao o mas kilala sa tawag na immune system.
Ilan sa maiiwasang mga sakit kung sapat ang suplay ng bitamina A sa katawan ng tao, batay na rin sa World Health Organization (WHO), ay diarrhea at tigdas, panlalabo ng paningin at tuluyang pagkabulag at ang tiyak na kamatayan.
Idinagdag pa ng mambabatas ang mga batang mula sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas ang kadalasang biktima sa kakulangan ng bitamina A dahil hindi sapat ang nutrisyong natatanggap ng kanilang katawan.

<< Home