Thursday, October 21, 2010

Regulasyon sa pagbebenta ng bottled water, isinusulong

Upang mabantayan at magkaroon ng maayos na regulasyon sa pagbibenta ng mga nakabotelyang inumin, inihain nina Cagayan de Oro City Rep Rufus Rodriguez at kanyang kapatid na si Abante Mindanao party-list Rep Maximo Rodriguez, Jr. ang HB01075 o “Safe Bottled Water Act", na naglalayong maprotektahan ang mga mamimili sa mga ibinebentang tubig-inumin sa mga pamilihang bayan.

Siinabi ng mga mambabatas na tungkulin umano ng pamahalaan na bantayan ang produksyon at pagbebenta ng nakabotelyang inumin at tiyakin ang kalidad ng mga mineral, carbonated at bottled water, at mga pinanggagalingan o pinagkukunan ng tubig na ginagamit dito.

Sa kasalukuyan, ayon sa kanila, ay wala pang batas na ipinaiiral para sa regulasyon ng mga bottled water at ang mga mamimili ay nagbabayad ng mahal sa pag-aakalang mas mataas ang kalidad ng tubig na kanilang binibili at iniinom kaysa sa tubig na nanggagaling sa gripo.

Idinagdag pa ng mga mambabatas na layunin ng panukala na mapangalagaan ang mga mamimili mula sa mga iligal na kalakaran tulad ng mga produktong nanggagaling sa mga mapanagnib na pinagkukunan ng tubig

Sa ilalim ng panukala, ang direktor ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) at ang kalihim ng Department of Health (DOH) ang mangangasiwa at magtatatag ng monitoring program at mag-aanalisa ng mga nakabotelyang tubig na ipinagbibili sa merkado, kasama na ang pagpapairal ng mga pamantayan sa lahat ng antas ng mga sangkap na naayon sa kalidad na mineral, spring, natural sparkling water at vended water.
Free Counters
Free Counters