Tuesday, December 02, 2008

Aarestuhin si Aytona, ang sinasabing runner ni Jocjoc

Iminungkahi kahapon ni Cavite Rep Crispin Remulla ang pagkaka-aresto kay Maritess Aytona, ang sinasabing runner ni dating agricuture undersecretary Jocelyn Jocjoc Bolante bunsod na rin sa pangingisnab nito sa house committee on agriculture and food at pagkakabisto na peke ang mga address na binigay niya.

Nauna rito, sinabi ni Palawan Rep Abraham Mitra, chairman ng naturang komite, na hindi umano mnakita ng mga kawani ng kanyang komite ang dalawang tirahan na binigay ni Aytona.

Sa mosyon ni Remulla, hiniling nito na mag-isyu si House Speaker Prospero Nograles ng isang warrant of arrest para kay Aytona.

Kabilang umano sa sinasabing tirahan ni Aytona na pinuntahan ng mga kawani ng komite ay ang No. 6 Rainbow St., SSS Village, Marikina City .

Ngunit lumitaw na walang Aytona na nakatira sa bahay at sa halip ay pamilya Arellano ang naninirahan dito mula pa noong 1979.

Sinasabing si Aytona ang manager at may-ari ng Feshan Philippines Incorporated, ang kumpanyang nagsuplay ng mga pataba sa proyekto.

Inatasan ng komite ang House Sgt-at-Arms na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) upang hanapin at dalhin sa Kamara si Aytona.
Free Counters
Free Counters