Positibong rating ng Kamara
Sinalubong kahapon ng mga mambabatas ang positibong rating na natamo ng Kamara de Representantes at ni House Speaker Prospero Nograles at sinabi ng mga ito na ang rating ay nagsasalamin lamang ng mga repormang pinatutupad ng kapulungan.
Tinukoy ng mga mambabatas ang pagtaas ng rating ng Kamara sa mga pagsikap ni Nograles na siyang nakapagtamo ng mataas na satisfactory rating sa pinakahuling nationawide survey na isinagawa ng HKPH Public Opinion and Research Center sa pakipagtulungan ng Asia Research Center.
Ang positive 59% rating ay mataas ng apat na antas kaysa sa survey noong Setiyembre at ang net rating ni Nograles na + 20 ay nakuha noong Octobre at ang satisfaction rating ng House ay tumaas din sa 55 % .
Sinabi ni Buhay Partylist Rep Irwin Tieng na ang positibo at magandang persepsiyon sa Kamara at sa Speaker ay isang bagay na dapat sila ay maging proud.
Ayon naman kay Iloilo Rep Frejenel Biron, ang improved rating ng House at ng Speaker ay isang welcome development.
Marami pang mga mambabatas ang nagbigay ng positibong komento hinggil sa magandang rating na natamo ng buong Kamara.
<< Home