Franking privilege, hindi dahilan sa pagpalpak ng Philippine Postal Corporation
Masamang pamamalakad at mahirap na pagtanggap ng teknolohiya ang dahilan ng pangpinansiyal na problemang kinakaharap ngayon ng Philippine Postal Corporation at hindi ang mga franking privilege na iginagawad sa executive at legislative department ng gobyerno.
Ito ang ipinahayag kahapon ni House Speaker Prospero Nograles ng kanyang sinabi na magmula nang itinatag ang pambansang sistemang pang-koreo o ang national postal system, ang franking privileges o libreng koreo ay nandiriyan na ngunit at nito nang hinawakan ni Postmaster General Hector Villanueva na naging dahilan na diumano ang franking privilege sa pagtagilid ng pangpinansiyal na estado ng ahensiya.
Sanabi ni Nograles na puwede naman silang makatulong na i-upgrade ang mga polisiya na kinakailangang rebisahin sa postal service ngunit maging walang silbe ito kung hindi rin kikilos ang mga taong nagpapatakbo nito.
Ayon sa kanya, sa kasalukuayng panahon ng internet technology, ang mga courier company ay umaangat sa negosyo sa pagko-koreo dahil sumama sila sa agos ng paggamit ng mga modernong teknolohiya kagaya ng tacking system at online business transactions.
Iminungkahi ng Speaker sa Postmaster General na kailangan niyang gumamit ng innovative management at i-adjust niya ang pamamalakad sa sistema ayon sa naangkop na gawain sa kasalukuyyang panahon.
<< Home