Sunday, October 19, 2008

Usaping hindi pagsuporta ni JDV sa anak hinggil sa impeachment

Napagbuntunan ni Nueva Ecija Rep Eduardo Nonato Joson ang anak ni dating House Speaker Jose de Venecia, Jr. dahil sa matinding pagkadismaya ng nito sa hindi pagsuporta ng tatay sa kanang anak na si Joey III.

Matatandaang isa si Joey III sa mga copmplainant na lumagda sa impeachment complain na inihain sa Kamara de Representantes.

Sinabi ni Jososn na hindi umano niya maintindihan kung bakit ayaw sumuporta ng dating Speaker sa reklamo at kung bakit hindi ito makumbinse ng anak na sumama sa laban.

Ayon sa mambabatas, pilit lamang umanong gumagawa ng paraan ang batang de Venecia upang maging iba ito sa kanyang ama na ayaw manindigan sa isyu.

Idinagdag pa ni Joson na kung ano daw ang puno, siya din ang bunga at nais lamang nitong si Joey III na gumawa ng persepsiyon na iba siya sa tatay niya.

Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya sina House Minority Leader at San Juan Rep Ronaldo Zamora at si senior Deputy Minority Leader at Paranaque Rep Roilo Golez, spokesman ng minorya sa Kamara de Representantes, sa hindi pagsuporta ng matandang de Venecia.
Free Counters
Free Counters