Sunday, October 19, 2008

Salitang “muslim” at “kristiyano”, hindi gagamitin sa pagtukoy ng suspek sa krimen


Nakaantabay na lamang na aprubahan ng Senado ang nauna nang ipinasa sa ikatlo at pinal na pagbasa nga Kamara de Representantes na panukalang naglalayon na patawan ng multang P50,000 ang sinumang editor-in-chief na gagamit ng mga salitang Muslim at Kristiyano para tukuyin ang mga suspek sa ibat-ibang krimen.


Sa HB00100, panukalang pangunahing inisponsor nina Aurora Rep Juan Edgardo Angara, Anak Mindanao Rep Mujiv Hataman, Gabriela Rep Luzviminda C. Ilagan, Laguna Rep Justin Marc Chipeco at Senior Deputy Majority Leader at Mandaluyong City Rep Neptali Gonzales II, ipagbabawal din ang paggamit ng mga salitang mang-iinsulto ng mga relihiyon regional o ethnic affiliation.


Papatawan ng panukala ng multang hindi bababa sa P50,000 ang editor-in-chief sa print media o news editor sa broadcast o ibang porma ng mass media katulad ng online.


Bukod dito, nakapaloob rin sa panukala ang pagpapataw ng parusang anim na taon at multang P10,000 sa media entity o mga may-ari ng mass media na hindi susunod dito.


Dismayado si Angara sa patuloy na paggamit ng mga kasapi ng media sa mga terminong "Muslim Criminal", "A Muslim Terrorists" at iba pang hindi magandang salita.


Inaasahang maipasa na sa lalung medaling panahon ang naturang panukala upang mawala na ang diskriminasyong nangyayari sa bansa.

Free Counters
Free Counters