Thursday, October 09, 2008

Renewable energy bill, niratipikahan na ng Kongreso

Inaprubahan na Kamara de Representantes ang bicameral conference committee report ng panukalang batas na magsusulong ng paggamit ng renewable energy sa bansa katulad ng solar, wind, hydropower, biomass at iba pa.

Sinabi ni Pampanga Rep Juan Miguel Arroyo, chairman ng House committee on energy at awtor ng isa sa mga panukalang batas sa renewable energy, ang pagkakalusot ng ratipikasyon ng panukalang tatawaging Renewable Energy Act of 2008.

Umaasa si Arroyo na lagdaan na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang naturang panukala para ito ay maging ganap na na batas sa lalung madaling panahon.

Naunang sinabi ng nakabababatang Arroyo na labing-anim na panukalang batas ang naihain sa Kamara kaugnay sa renewable energy na tinalakay ng kanyang komite.


Free Counters
Free Counters