Friday, October 03, 2008

Isa pang panukalang dagdagan ang sahod ng mga day care workers

Hinikayat kahapon ni Ilocos Sur Rep Ronald Singson ang kanyang mga kasamahang mambabatas na madaliin ang pagkakapasa ng magbibigay ng karagdagang sahod sa mga day care workers na nakapaloob sa HB05075 na kanyang inihain.

Sinabi ni Singson na hindi na sapat ang buwanang sahod ng mga day care workers na P500 batay sa RA06972 kung ang pagbabasehan ay ang kanilang kakayahan at serbisyo sa mga barangay na minsan ay sa liblib na mga lugar kung kaya at nararapat lamang umanong itaas ang kanilang mga sahod sa salary grade 6, 8 at 10, depende sa kanilang kuwalipikasyon.

Dapat lamang bigyan sila ng karampatang suporta dahil nakaatang sa kanilang mga balikat ang responsibilidad hindi lamang sa bahagi ng edukasyon kundi sa pagtrato sa kanila bilang bahagi ng pamilya dahil kabalikat sila ng mga magulang sa paghubog sa kaisipan at pagkatao ng mga estudyante na pinagkakatiwala sa kanila, dagdag pa ng mambabatas.

Free Counters
Free Counters