Pagtaas ng bilang ng political killings, pinaiimbestihgahan
Pinasisiyasat ni Nueva Ecija Rep Eduardo Nonato Joson, ayon sa nakapaloob sa HR00791, sa House Committee on Peace and Order ang mga nangyayaring karahasang politikal sa bansa bunsod sa napaulat na pumangalawa na umano ang Pilipinas sa buong mundo na may pinakamataas na insedenteng kaugnay sa political killings at mahigit 800 dito ay napaulat noon pang nakalipas na taong 2001.
Sinabi ni Joson na nagiging malala na ang patayan sa bansa na may kaugnayan sa politika lalu pa at nadadamay ang mga inosenteng sibilyan.
Nais ng mambababats tiyaking matigil, ma-imbestigahan, mausig at maparusahan ang mga sangkot sa naturang karahasan at higit sa lahat ay mabigyan ng proteksiyon ang komunidad kung saan may mga biktima ng pananakot ng karahasan.
Inihalimbawa ni Joson ang nangyaring pambobomba sa Batasan complex noong nakaraang taon na nagresulta ng pagkamatay at malubhang pagkasugat ng ilang miyembro at empleyado ng Kongreso.
Kailangan umanong wakasan na ang lahat ng uri ng karahasan, partikular na rito ang paggamit ng kapangyarihan para sa interes politikal ng iilang mga indibidwal.
<< Home