Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang panukalang P4.1 trillion pesos na 2020 national budget upang ito ay maging ganap na na batas.
Naganap ang paglagda ng Pangulo sa batas doon sa Rizal Hall ng MalacaƱang ganap na alas-4 ng hapon.
Matatandaan na noon pang December 20, 2019 naisumite ng Kongreso ang kopya ng panukala matapos itong sertipikahang urgent ng Pangulo.
Nauna ng ipinaubaya ng Kamara de Representantes kay Pangulong Duterte ang desisyon kung may ibi-veto ito sa 2020 GAA matapos akusahan ng ilang mambabatas na umanoy may mga pork insertions na nakapaloob sa pambansang budget.