Sinabi ni
Akbayan party-list Rep Tom Villarin na ang naturang pahayag niya ay dahil sa
pagiging runaway winner ni Duterte sa Time Magazine poll kung saan sa 100 na
kilalang tao sa mundo, ito lang ang nakakakuha ng 5% na boto.
Possible umanong lalaki ang tiwala ng Pangulo sa kanyang sarili at isasantabi na lamang niya ang participatory
at empowering mechanisms sa pamamahala dahil ang mga tao daw sa mundo
tulad nina Russian President Vladimir Putin, United State President Donald
Trump at Pope Francis ay naungusan nito.
Hanggang sa kasalukuyan, ang pangulo umano ay nasa campaign mode pa rin at ito ay magiging isang recipe para sa distraksiyon kung ang democratic institutions ay
isinasantabi kaysa sa kanyang personalistic leadership style, dagdag pa ni Villarin.
Gumawa ng
pangalan si Duterte sa mundo matapos nitong ilunsad ang giyera kontra ilegal na
droga sa bansa matapos maluklok ito sa kapangyarihan noong Hunyo 30, 2016.
Ngunit kung
si Quezon City Rep Winston Castelo ang tatanungin, ang pangunguna ni Duterte sa
Time Magazine poll ay dapat ipagmamalaki ng sambayanan dahil naging
Filipino pride ang Pangulo at naging inspirasyon pa.
Ayon pa kay Castelo, ng ating
bansang Pilipinas ay nasa world center stage dahil ipinakita ng Pangulo ang
kanyang uncompromising at malakas na leadership para makapagpatupad ng kinakailangang
pagbabago at mga reporma sa bansa.
Patunay
din umano ang pangunguna ni Duterte sa Time Magazine poll na hindi umubra ang
mga ginagawang paninira ng Western media sa pangulo ng Pilipinas.