Wednesday, April 19, 2017

Pinagtibay ng SC ang dating desisyon nito na i-acquit si dating Pangulong Arroyo

Pinal na ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) na i-reject ang appeal ng mga government layer na humiling para sa reversal ng naging desisyon nito na ipa-walang-sala si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong plunder dahil sa diumanong misuse ng P366 milyon intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa boto na 11-4, in-affirm nito ang kanilang July 19, 2016 ruling na naggawad sa inihaing demurrer to evidence ni Arroyo apara sa criminal case na kanyang kinaharap sa Sandiganbayan.

Sinabi ni Atty Theodore Te, spokesman ng high court, na ang mga mahistrado ay bumuto rin sa pag-uphold ng kahalintulad na kaso laban sa co-accused ni Arroyo na si dating PCSO official Benigno Aguas.

Idinagdag pa  ni Te na sinabi umano ng korte na ang desisyon nila na gawaran ng kanya-kanyang demurrer to the evidence sina Arryo at Aguas ang naging basehan ng kanilang acquittal kung kaya’t anumang banta para i-reconsider ang sesisyon ay magreresulta lamang ng double jeopardy.

“Insufficiency of evidence” ang isinayt ng tribunal na naging basehan din nila sap ag-dismiss ng kaso at sa kanilang pag-order ng release ni Arroyo sa hospital arrest.

Nagpahayag ng pasasalamat ang kampo ni Arroyo, sa pamamagitan ni Atty Laurence Arroyo, sa high court para sa pag-uphold sa desisyon nito na ibasura ang plunder case laban sa kanya ng sinabi nila na anga naging-ruling ng korte ay ang magtatapos na sa kasong ito.