KAMARA, HANDA NA PARA SA UNANG SONA NI PANGULONG BONGBONG MARCOS
Handang-handa na ang Kamara isang linggo bago isasagawa ang kauna-unahang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos, Jr. sa ika-25 ng Hulyo 2022.
All systems go na ang Batasang Pambansa Complex kung saan isasagawa ang SONA ng pangulo ng bansa kasabay sa pagbubukas ng first regular session ng 19th congress.
Sinabi ni House of Representatives Secretary General Mark Llandro Mendoza na mahigpit na ipatutupad ang health protocols sa loob ng Batasan Complex partikular na sa Plenaryo ng Kamara.
Ayon kay Mendoza lahat ng dadalo sa SONA kasama ang mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng kongreso, cabinet officials, miyembro ng diplomatic corps, media at mga invited VIP guest ay sasailalim sa antigen at RT PCR swab test.
Inihayag ni Mendoza sa kabila ng paglobo ng kaso ng COVID 19 ay papayagan ang 100 percent capacity face to face sa plenaryo na may seating capacity na 1,200.
Ang plenaryo ng Kamara ay sumailalim sa renovation at nilagyan ng mga health safety mechanism upang masigurong ligtas sa COVID 19 virus.
<< Home