-MGA COMELEC PERSONNEL, PINASASAMA SA COVID-19 VACCINATION PRIORITY LIST
Pinasasama ni Ako-Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr. sa priorty list ng mga mababakunahan kontra COVID 19 ang lahat ng kawani ng Commission on Elections o Comelec.
Ayon kay Garbin, sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang karamihan partikular ang milyon-milyong kabataang botante at dormant voters na magparehistro at bumoto sa susunod halalan.
Sinabi pa ng mambabatas dapat din aniya na sikapin ng gobyerno na makapagsagawa ng nationwide vaccination program bago sumapit ang April 2022 upang masiguro na ligtas ang gaganaping halaan sa Mayo dos mil bente dos ( 2022).
Kaugnay nito ay hindi rin pinalagpas ni Garbin ang naging suhestyon ng isang DILG official na limitihan lamang ng mga LGUs ang kanilang COVID 19 vaccination program sa kalahati ng populasyon ng kanilang nasasakupan dahil hindi aniya ligtas ang lahat sa sakit kung hindi lahat mababakunahan.
<< Home