-Ibigay ang P13.7B bilang 13th month pay at bonus, mungkahi ng isang solon sa pamahalaan
Nananawagan ang isang mambabatas sa Kamara de Representantes sa pamahalaan na ibigay bilang tulong sa mga nawalan ng trabaho ang P13.7 bilyon bilang 13th month pay o bonus.
Sa ilalim ng House Resolution 1310 ni Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez, ibibigay ang tulong na ito sa mga micro, small, and medium-scale enterprises (MSMEs) na higit na nangangailan.
Aniya, nasa 1.5 milyon hanggang 5.1 milyong manggagawa ng MSME ang apektado ng pandemya.
Ayon sa mambabatas, ang taong 2020 ay naging isang masamang taon para sa karamihang mga Filipinos dahil sa COVID-19 at sa mga epekto nito sa kalusugan emploment at income.
Idinagdag pa ng solon na ang mga manggagawa sa micro, small at medium enterprises ay matinding nagdusa mula pa noong March 15 dahil sa layoffs o reduced working days hanggang sa kasalukuyan at dapat huwag natin silang pagkaitan ng Pasko sa pamamagitan ng hindi pagbigay sa kanila ng kanilang 13th month pay!.
Saad pa nito na ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, tinatayang P5 bilyon hanggang P13.7 bilyon ang kailangan upang mabigyan ng 13th month pay ang bawat manggagawa.
<< Home