Thursday, January 16, 2020

Mga lokal na pamahalaan ng Batangas, handa sa anumang worst case scenario, Rep Vilma Santos-Recto

Kumpyansa si House Deputy Speaker at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto na handa ang pamahalaang lokal ng Batangas sakaling umabot sa “worst case scenario”ang sitwasyon sa Bulkang Taal.
Ayon kay Santos-Recto, mayroong team sa kanilang lokal na pamahalaang panlalawigan mula sa provincial level pababa sa municipal government at city level.
Sa sandali naman na magkaroon ng improvement sa sitwasyon sa Taal ay sunod na nilang tatalakayin ang tungkol sa rehabilitation effort sa lalawigan.
Sinabi pa ng lady solon na umabot na sa 11,000 indibidwal  mula sa ibat ibang lugar ng Batangas na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan ang nasa evacuation centers sa Lipa City.
Pero, naging problema aniya ang hindi pantay-pantay na distribusyon ng relief goods sa dami ng evacuation centers kaya makikipag-usap na rin siya sa iba pang local government officials para maisaayos ang sistema ng pamamahagi ng tulong.
Free Counters
Free Counters