Hinimok ang mg barangay officials na tiyaking present ang mga magulang sa tuwing bibisita ang vaccination teams ng barangay
Hinimok ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang mga opisyal ng barangay na siguraduhin ang presensya ng mga magulang sa tuwing magsasagawa ng bakuna.
Ginawa ni Dy ang pahayag kasabay ng pagsisimula ng ng unang araw ng NCR-WIDE ‘PATAK KONTRA-POLIO’ VACCINATION program kahapon.
Ayon sa mambabatas, madalas na problema sa tuwing nagsasagawa ng Barangay level house-to-house vaccination ay wala sa bahay ang mga magulang at walang naiiwan man lang na guardian ng mga batang babakunahan.
Giit pa ng mambabatas isa ring Ina, bukod sa pagkakaantala ng pagbakuna sa mga bata ang kawalan ng presensya ng magulang sa tahanan ay senyales din aniya na unsupervised ang mga bata na naglalagay sa kanila sa peligro.
Dahil dito ay nanawagan si Dy sa mga Barangay Captains at kagawad na mas lalo pang maging masigasig sa pagpapaala sa mga magulang sa kanilang nasasakopan na mahalaga na present ang mga ito oras na bakunahan ang kanilang mga anak.
Samanatla ang unang wave ng Libreng Oral Polio Vaccine sa NCR ay mula October 14-27 habang ang 2nd wave naman ay maguumpisa sa November 25 to December 7, 2019 para sa mga bata edad 0-59 months at hindi lalagpas sa 5 taong gulang.
<< Home