Monday, June 20, 2011

May utang pa ang pamahalaan ng P16 miyon sa 112,000 military pensioners

Humigit kumulang sa P16 milyon ang pagkaka-utang ng pamahalaan sa may 112,00 retiradong sundalo sa bansa para sa kanilang pensiyon at mga benepisyo.

Ito ang nag-udyok kina Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez at Abante Mindanao partylistt Rep Maximo Rodriguez na imbestigahan ng House Committee of Veterans Affairs sa pamamagitan ng HR01158 ang naturang bagay upang makapagsagawa ng mga opsiyon para matugunan ang nabanggit na problema.

Sinabi ni Congressman Rufus Rodriguez na nararapat lamang umanong masuri ang pangpinansiyal na aspeto ng gobyerno at makahanap ng pangkunan ng karagdagang pondo para pambayad sa retirement at mga benepisyong pensiyon ng mga retiradong sundalo ng bansa.

Ang problema sa pondo para sa mga pensioner ay bumaba umano magmula pa noong taong 2006 nang ang Armed Forces of the Philippine – Retirement and Separation Benefits System o ang AFP-RSBS ay na-deactivate dahil diumano sa irigularidad sa tanggapan.

Ayon sa kanya, batay umano sa ulat ni Col. Rolando Jungco, Chief of the AFP Pension and Gratuity, ang funding requirement para sa retirement benefits ng mga sundalo ay lumubo sa P16 milyon dahil humigit kumulang sa 5,000 sundalo umano ang nagriretiro kada taon.

Nagsakripisyo umano ang mga sundalo, ayon kay Rodriguez, sa kanilang buhay upang makipagpabakbakan maipagtanggol lamang ang bansa ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nila natanggap ang kanilang mga pensiyon at mga benepisyo.

Idinagdag pa ni Rodriguez na ang congressional inquiry na ito ay magsilbe na rin na babala sa lahat na mga concern kasama na ang DND, AFP at iba panga mga sangay ng pamahalaan o kuporasyon para makapagbigay ng paglilinaw hinggil sa naturang isyu.
Free Counters
Free Counters