Wednesday, May 18, 2011

Bakunang hepatitis-b para sa mga sanggol, isasagawa

Pumasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang HBill04393, ang Mandatory Infant-Health Immunization Act, na naglalayong protektahan ang mga bagong silang na sanggol laban sa Hepatitis-B at iba pang vaccine-preventable diseases upang matiyak ang kalusugan at mabawasan ang dami ng mga namamatay na mga bata.

Ipag-uutos sa panukala na ang lahat ng health care practitioners o health care workers na nangasiwa sa prenatal care ay ituro sa mga nagbubuntis ang kahalagahan at benepisyong idudulot ng nabanggit na bakuna.

Sinabi ni Tarlac Rep Susan Yap na kalusugan ng publiko ang siyang pangunahing tungkulin ng gobyerno at magbigay ito ng direktang prodaktibong pangangailangan nito.

Ayon kay Yap, ang komplikasyon sa sakit ay maaaring lumala at magkaroon ng habang-buhay na impeksyon tulad ng cirrhosis o scarring of the liver, liver cancer, liver failure at tuluyang pagkamatay.

Sinabi naman ni Cavite Rep Joseph Emilio Abaya na maiiwasan umano na magkaroon ng viral infection ang sanggol at ang pinakamabisang paraan para maproteksyunan ito ay ang palagiang pagbibigay ng Hepatitis-B vaccination dito.

Nag-aantabay na lamang sa aksiyon at pagpasa ng Senado ang nabanggit na panukala bago ito maging ganap na na batas.
Free Counters
Free Counters