Monday, January 24, 2011

* Pagsasanay para sa may edad na manggagawa, isinusulong

Isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan ang panukalang magtatag ng isang programa na magbibigay ng pagsasanay sa trabaho para sa may edad ng manggagawa upang mapalawig pa ang taon ng kanilang pagiging kapakipakinabang at mas matagal pa sa kanilang pagtatrabaho.

Batay sa HB01076 na inihain nina Cagayan de Oro Rep Rufus B. Rodriguez at ng kanyang kapatid na si Abante Mindanao Rep Maximo B. Rodriguez, mabibigyan na ng sapat na kaalaman at edukasyon ang bawat nagkakaedad ng manggagawa at mabigyan pa rin sila ng kakayahan na makapagtrabaho at maging kapakipakinabang kahit na sila ay magkakaedad na.

Ayon sa mga mambabatas, madalas ay napag-iiwanan at natatalo ang mas nakatatandang manggagawa kumpara sa mas nakababata na makapasok ng trabaho.

Sa panukalang ito, mas mabibigyan ng pantay na karapatan at mas tataas ang tsansa ang mga may edad nang manggagawa na makapagtrabaho pa at ang programang ito ay nakadisenyo para sa mga manggagawang may edad 40 pataas at ang suweldo ay maituturing na below the poverty line.

Ilan sa mga objective nito ay ang itinuturing na pangunahing kaalaman o basic skills, kaalaman sa kanyang trabaho, impormnasyon at kaalaman hinggil sa dati niyang trabaho, tsansa para mai-empleyong muli, mga interes, aptitude at support services.
Free Counters
Free Counters