Tuesday, September 03, 2024

DEPED, WALANG ALAM KUNG PAANO NAGASTOS ANG CONFIDENTIAL AND INTELLEGENCE FUND NITO

KINOMPIRMA NG DEPARTMENT OF EDUCATION O DEPED NA WALA SILANG ALAM KUNG PAANO NAGASTOS ANG CONFIDENTIAL AND INTELLEGENCE FUND O CIF NG KAGAWARAN NUONG 2023. 


SA HEARING NG HOUSE COMMITTEE ON APPROPRIATIONS KAHAPON, SINABI NI DEPED USEC. ANNALYN SEVILLA, ANG SINUSUNOD NILA SA PAGLALABAS NG PONDO SA CIF AY ANG JOINT CIRCULAR SA CASH ADVANCE. 


KADA QUARTER UMANO ANG PAGRERELEASE NILA NG BUDGET SA CIF KAPAG NIREREQUEST ITO NI DATING DEPED SEC. VICE PRESIDENT SARA DUTERTE. 


SA TATLONG QUARTER, AABOT SA 112.5 MILLION PESOS ANG INILABAS NILANG BUDGET PARA KAY DUTERTE. 


PERO SA 4TH QUARTER NG 2023 AY HINDI NA UMANO NAILABAS ANG NALALABING PONDO SA CIF DAHIL SA WALANG REQUEST ANG DATING KALIHIM. 


NUONG 2023, AABOT SA 150 MILLION PESOS ANG CIF NA INILAAN PARA SA DEPED. 


SA PALIWANAG PA NI USEC. SEVILLA, HINDI NILA ALAM KUNG SAAN GINAGAMIT ANG PONDO LALO PAT HINDI SILA KASAMA SA PROSESO NG UTILIZATION AT LIQUIDATION NG CIF. 


BINIGYAN LANG UMANO SILA NG COVER LETTER NG DATING KALIHIM PARA SA PINAGGAMITAN NG PONDO PERO WALANG DETALYE. 


BINIGYANG DIIN NAMAN NI DEPED SECRETARY SONNY ANGARA NA WALA SILANG PLANONG HUMINGI NG CIF PARA SA 2025. 


MALIBAN SA NAGING KONTROBERSYAL NA UMANO ITO, ILALAGAY NA LANG NILA SA KANILANG MGA LINE ITEM ANG MGA PROGRAMA AT PROYEKTO NA NAIS NILANG MAPONDOHAN.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO





NAUNA RITO, TUMANGGI NA SI VICE PRESIDENTE DUTERTE NA MAGPALIWANAG KAUGNAY SA CIF NG DEPED DAHIL WALA NA SIYA SA KAGAWARAN. 


ITO AY MATAPOS NA USISAHIN NG MGA KONGRESISTA ANG USAPIN SA CIF SA NAKALIPAS NA PAGDINIG NG KAMARA SA BUDGET NG OFFICE OF THE VICE PRESIDENT. 


DAHIL SA PAGTANGGI NG BISE PRESIDENTE, IPINAGPALIBAN NG KAMARA ANG PAGDINIG SA BUDGET NG OVP SA SEPT. 10.