Saturday, August 03, 2024

 RPPt Rep Co susuportahan ng paglalaan ng pondo dev’t agenda ni PBBM



Suportado ni House committee on appropriations chairman Zaldy Co (Ako Bicol Party-list) ang development agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na inilatag nito sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.


“President Marcos again demonstrated his unwavering dedication to uplift the lives of every Filipino," sabi ni Co. “His comprehensive plans and initiatives are testaments of his vision for a brighter future for our nation. Bilang chairman ng House committee on appropriations, titiyakin ko ang paglalaan ng kinakailangang pondo para sa mga prayoridad na inilatag ng Pangulo.”


Iginiit ni Co ang kahalagahan na mapondohan ang mga proyekto at programa ni Pangulong Marcos upang maisakatuparan ito.


“An integral part of the success of the President's vision lies in our ability to judiciously allocate funds where they are most needed. The President has set clear priorities that will drive our nation forward, and it is my duty to ensure these priorities are met with the appropriate financial support to turn them into reality,” giit pa nito.


Sinabi ni Co na suportado nito ang Legacy Project ni Pangulong Marcos upang magpababa ang presyo ng bilihin, mapaganda ang serbisyong kalusugan, mapataas ang kalidad ng edukasyon, at makapagtayo ng mga imprastraktura.


“Sinusuportahan din natin ang pamimigay ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA), ang Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFFF) at infrastructure projects tulad ng solar irrigation, farm-to-market roads, at marami pang iba upang guminhawa ang ating mga magsasaka,” sabi ni Co.


“Ayon din sa atas ni Pangulong Marcos, tuluy-tuloy ang pagtatayo ng bagong Legacy specialty hospitals sa iba't ibang rehiyon. Ang pagpapabuti ng existing medical facilities ay mahalaga rin para matugunan ang pangangailangan sa kalusugan ng ating mamamayan kaya sisiguraduhin natin na sapat ang alokasyon para dito,” dagdag pa nito.


Sinabi ni Co na suportado rin nito ang Legacy Housing projects upang magkaroon ng maayos na matitirahan ang mga Pilipino.


Nagpahayag din ng kumpiyansa si Co na maaabot ng administrasyong Marcos ang target nito.


“President Marcos can count on the support of the House of Representatives to deliver the best public service to our citizens,” wika pa ni Co. (END)


—————

RPPt Duterte ‘mastermind’ ng pagpatay sa war on drugs— De Lima


Iginiit ni dating Senator Leila De Lima na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mastermind ng umano’y extrajudicial killings (EJK) sa kampanya nito laban sa ipinagbabawal na gamot.


“There is no doubt in my mind that former President Rodrigo Duterte is the mastermind, as he was the instigator and inducer of the drug war killings. The drug war was implemented as an official Duterte program of government when he assumed office as President,” ani De Lima sa pagdinig ng House Committee on Human Rights na nag-iimbestiga kaugnay ng drug-related EJK noong administrasyong Duterte.


Si De Lima ay nakulong ng anim na taon matapos na sampahan ng kaso kaugnay ng ipinagbabawal na gamot. Napawalang-sala naman ito sa tatlong kasong isinampa sa kanya.


Ayon sa dating senador ang drug war ay isang opisyal na programa ng gobyerno ni Duterte na ipinatupad sa pamamagitan ng Oplan Double Barrel, isang dokumentadong plano ng Philippine National Police (PNP).


“These killings were intentionally and deliberately carried out as part and parcel of Oplan Double Barrel upon Duterte’s orders as President and Chief Executive from 2016 to 2022,” sabi ni De Lima sa pambungad nitong talumpati.


Ayon sa dating senador ang mga hakbang sa pagpapatupad ng planong ito ay isang sistematikong pag-atake sa mga sibilyan at dapat na ituring na crimes against humanity sa ilalim ng international humanitarian law.


Sinabi ni De Lima na ang drug war ay unang ipinatupad ni Duterte noong ito ay mayor pa ng Davao City gamit ang Davao Death Squad (DDS).


“The 2016 to 2022 drug war is a mere offshoot of the DDS experience in Davao,” paliwanag ni De Lima. “What happened was that the systematic [EJKs] perpetrated by then-Mayor Duterte and the PNP of Davao were replicated at the national level when Duterte assumed the presidency.”


Ayon kay De Lima inorganisa ang mga assassination squad na binubuo ng mga pulis at sibilyan upang magsagawa ng pagpatay.


Ang grupong ito umano ang tumutukoy sa kanilang papatayin gamit ang operasyon ng pulis o “riding-in-tandem” vigilantes.


Sinabi ni De Lima na ang mga dating miyembro ng DDS na sina Edgar Matobato at Arturo Lascañas ay nag-ugnay kay Duterte sa iligal na droga.


Ayon sa dating senador, ang kanyang mga hakbang upang mapagsalita si Matobato sa Senado noong 2016 ay nagresulta sa pagsibak sa kanya bilang chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights at sa pagsasampa ng kaso at pag-aresto sa kanya.


Si Lascañas ay isa na ngayong testigo sa imbestigasyon ng International Criminal Court’s (ICC) kaugnay ng war on drugs campaign ni Duterte.


Sinabi rin ni De Lima sa pagdinig ang isiniwalat ni dating Sen. Sonny Trillanes kaugnay ng dokumento mula sa ICC na nagsasabing si Sen. Bato Dela Rosa na PNP chief noong panahon ni Duterte at ilan pang dating opisyal ay itinuturing ng suspek sa imbestigasyon ng ICC.


Iginiit din ni De Lima ang kakulangan umano sa imbestigasyong ginawa sa bansa laban sa war on drugs.


Sa isang ulat ng Malacañang noong 2017, sinabi ni De Lima na mahigit 20,000 pagkamatay ang natukoy sa loob ng 16 na buwan.


Pero 52 kaso lamang umano ang sinusugan ng Department of Justice kung saan 32 ang itinuring na sarado na, isa ang nahatulan ng guilty, at ang iba ay iniimbestigahan pa.


“We must note, though, that those figures do not yet include the earlier cases of Kian delos Santos, Carl Arnaiz, and Reynaldo de Guzman, which also resulted in the conviction of their policemen killers,” punto ni De Lima. “This is the status of the investigation and prosecution of more than 20,000 drug war killings from2016 to 2022.”


Iginiit ni De Lima ang kahalagahan ng isinasagawang imbestigasyon ng ICC upang mapanagot ang mga matataas na opisyal.


“We fervently await the application by the OTP and the issuance by the ICC pretrial chamber of warrants of arrest, hopefully within the year,” saad pa ni De Lima.


Tinapos ni De Lima ang kanyang talumpati gamit ang mensahe ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na“No matter the moral correctness of the zeal against the drug menace, it can never be a moral justification for summary executions.” (END)