Pinuri ni Speaker Martin G. Romualdez ngayong Lunes, (oras sa Pilipinas) ang Filipino community sa Estados Unidos, sa mainit nilang pagtanggap at suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., habang kinilala niya ang mga mahahalagang kontribusyon nila sa Pilipinas.
Ngayong umaga ng Lunes, (linggo ng hapon sa US), ay nakipagkita si Pangulong Marcos sa libo-libong manggagawang Pilipino at mga migrante sa New Jersey Performing Arts Center sa Newark, New Jersey bilang bahagi ng kanyang paglilibot sa Estados Unidos, upang dumalo sa 77th United Nations (UN) General Assembly na gaganapin sa New York.
Sinamahan ni Romualdez, kasama ang ilang miyembro ng delegasyon ng Pilipinas sa UN, si Pangulong Marcos sa kanyang pagdalaw sa Filipino community.
“Your warm welcome and expression of strong support certainly serve not only as an inspiration to our President but also an affirmation of the overwhelming mandate he carries as he engages with other world leaders to articulate our country’s position on some of the critical issues facing the world today such as climate change, and food security, and rule of law,” ani Romualdez.
Tiniyak ni Romualdez ang Filipino community sa US ng ganap at hindi matitinag na suporta ng Kapulungan ng mga Kinatawan, para sa mga programa ng Pangulong Marcos sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa, para sa kasaganaan ng buhay ng sambayanang Pilipino.
“Your House of Representatives will work for the passage of necessary legislations to spur development and economic growth towards the realization of the vision of President Marcos, where our citizens no longer need to work abroad for lack of opportunities at home, but only may do so only as a matter of choice,” ani Romualdez.
Kaugnay nito, pinuri ni Romualdez ang mga pangunahing kontribusyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at mga migrante, katulad ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng dolyar sa kanilang mga pamilya na narito sa bansa.
“At this juncture, when our economy is buffeted by external factors, your remittances help to cushion the pressure that has been driving down the value of our peso with the unfortunate consequence of increasing prices of basic commodities,” ani Romualdez.
Sa pamamagitan ng dolyar na kanilang pinaghirapan, sinabi Romualdez na ang Filipino community, OFWs at mga manggagawang migrante ay hindi lamang nakatutulong sa kani-kanilang pamilya, kungdi, pinalalakas rin nila ang foreign reserves ng bansa.
“Truly, you are our modern-day heroes,” dagdag niya.
Ayon sa pinakahuling ulat ng BSP, ang remittances mula sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibayong-dagat ay lumago ng 2.3 porsyento nang magkasunod na taon, at umabot sa $3.17-bilyon mula Hulyo sa $3.17-bilyon ng katulad na buwan noong 2021.
Ang Estados Unidos ang nananatiling pinakamalaking pinagmumulan ng cash remittances na sinundan ng Singapore, at Saudi Arabia.
Ayon sa taya ng BSP, ang remittances mula sa overseas Filipinos ay inaasahan pang lalago ng 4 na porsyento ngayong taon, dahil sa pandaigdighang pagluluwag sa pagpapadala ng mga manggagawa sa ibayong-dagat.
Ipinahayag rin ng BSP na nag-uwi rin sa bansa ang OFWs ng nakatalang $31.4-bilyon ng cash remittances noong nakaraang taon.
Sa halagang ito, 40.5 porsyento, o $12.7-bilyon, ang ipinadala mula sa US. Ang iba pang pangunahing pinamulan ng padala ay Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar, at South Korea.
“But more than anything, the distinctions our Filipino compatriots receive in the United States for their exemplary contributions to society provide us with a priceless sense of pride as a nation,” ani Romualdez.
Sa kanyang nakaraang pagbisita sa Pilipinas, tinagurian ni US Secretary of State Anthony
Blinken ang mga Filipino nurses sa America na mga, “anghel” at kanyang binanggit ang kanilang dedikasyon sa trabaho, sakripisyo, at pamamaraan ng pag-aruga sa kanilang mga pasyente sa kasagsagan ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Batay sa pag-aaral ng Pew Research Center na nakabase sa Washington D.C., ay may 4.2 milyong Pilipino na naninirahan sa Estados Unidos hanggang 2019, na third-largest Asian origin group sa bansa na sumusunod sa mga Intsik at Indiano.
Iniulat rin ng The Washington Post na ang mga Pilipino sa Estados Unidos ay matataas ang pinag-aralan, at halos kalahati nito ay may bachelor’s o postgraduate degree. May mga kaya rin sila, at ang median annual household income ay $90,400.