Monday, September 19, 2022

MAINIT NA PAGSALUBONG KAY PBBM NG MGA PINOY SA US, MAGSISILBING INSPIRASYON SA PAMAHALAAN — SPEAKER ROMUALDEZ

Magsisilbing inspirasyon sa pamahalaan ang mainit na pagsalubong ng Filipino community sa Estados Unidos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ayon kay House Speaker Martin Romualdez.


Hapon ng Linggo, oras sa US, nang humarap si Pangulong Marcos Jr. sa mga manggagawa at migranteng Pinoy sa New Jersey Performing Arts Center kasama si Romualdez, first family at iba pang cabinet members.


Ani Romualdez ang suportang ipinakita ng Filipino community ay patunay ng pagtitiwala ng mga Pilipino sa presidente.


Gayundin ay paalala ng naka-atang na mandato nito na iparating sa iba pang world leaders ang posisyon ng Pilipinas pagdating sa ilang isyu tulad ng climate change, food security at rule of law.


Kasabay nito ay tiniyak ni Romualdez sa mga kababayan nating Pilipino sa US na patuloy na gagampanan ng House of Representatives ang trabaho nito na magsulong ng mga batas at programa para mapagbuti ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas,  at kabuhayan ng mga mamamayan upang hindi na sila mangibang bansa pa.


“Your House of Representatives will work for the passage of necessary legislations to spur development and economic growth towards the realization of the vision of President Marcos, where our citizens no

longer need to work abroad for lack of opportunities at home, but only may do so only as a matter of choice,” saad ni Romualdez.


Pinapurihan din nito ang ambag ng OFWs at migrants sa pamamagitan ng kanilang dollar remittances na aniya’y mga modern day heroes


Diin nito na sa gitna ng external factors na nakaka-apekto sa ating ekonomiya, nakatulong ang kanilang remittance upang mapanatiling malakas ang halaga ng piso.