Marapat lamang na may malakas na anti-illegal drugs advocacy ang susunod na administrasyon upang maipagpatuloy ang matagumpay na kampanya ng gobyerno laban sa high-level drug syndicates at mahinto ang operasyon ng mga ito.
Ito ang hamon ni Ormoc City Rep. Lucy Torres-Gomez sa mga nais nais manungkulan sa susunod na administrasyon at para sa kanya, importanteng ituloy ang mga nagawa ng PNP at PDEA sa laban kontra bawal na droga upang matiyak ang pang-matagalang epekto ng kanilang mga pagsisikap.
Ayon kay Torres-Gomez, ang susunod na administrasyon ay dapat may matapang din na anti-illegal drugs program upang maipagpatuloy ang mga nagawa ng kasalukuyang pamahalaan.
Hindi natin maaaring isuko, aniya, ang laban na pigilan ang paglago ng drugs industry dahil mababalewala ang lahat ng mga pinaghirapan ng ating kapulisan.
Idinagdag pa niya na kailangang pahalagahan natin ang mga sakripisyo ng ating kasalukuyang mga otoridad sa pamamagitan ng pagtuloy sa kanilang pangarap na drug-free Philippines.
Ngunit iginiit ng mambabatas, kailangan bawasan ang pananakot at karahasan na naging kaakibat na ng kampanya, at tiyaking maprotektahan ang karapatan pantao, lalo ng mga inaakusahang indibidwal.
Binanggit ni Torres-Gomez ang karanasan ng Ormoc City, na dati'y tinatawag na drug capital sa Eastern Visayas bago ang kasalukuyang liderato.
Noong 2016, nang pumasok ang bagong administrasyon sa lungsod ng Ormoc, inilunsad ang isang no-nonsense anti-illegal drugs campaign. Nagkaroon ng 110 barangay-police Anti-Drug Abuse Councils na nakikipag-ugnayan at nagpapatupad sa drug rehabilitation program ng city hall. Nakapagsagawa ang kapulilsang pang-lungsod ng kabuuang 58 buy-bust operations, na nagresulta sa pagkaaresto sa 64 notorious drug dealers, pushers at users. Inilunsad din ang ‘Pulis Niyo Po sa Barangay’ program, para madagdagan ang police visibility sa mga barangay.
Kinalaunan, kinilala ang Ormoc City na safest city sa bansa noong 2018 at 2019 ng PNP crime research and analysis center. Nananatili itong drug-free hanggang ngayon.
"Maaaring tingnan ng susunod na administrasyon kung paanong ang Ormoc City ay nabago mula sa pagiging notorious drug haven tungo sa drug-free metropolis. Kung mapananatili ng gobyerno ang anti-illegal drugs campain, makakaasa tayo na magkakaroon ng mas maraming rehabilitated cities kung saan mararamdaman ng mga residente na sila'y ligtas, kahit gabi na, dahil alam nilang wala nang drug addicts na gagawa sa kanila ng masama," sabi pa ni Torres-Gomez.